Mga sikat sama-sama kay Bam

MANILA, Philippines - Bukod pa kina Queen of All Media Kris Aquino at Megastar Sharon Cuneta, marami pang malalaking bituin at personalidad sa showbiz ang sumusuporta kay Team PNoy senatorial candidate Benigno ‘Bam” Aquino. Nariyan sina Mother Lily Monteverde ng Regal Films; award-winning actor Dingdong Dantes; “Asia’s Pop Idol” Christian Bautista; singer/songwriter at OPM president, Ogie Alcasid; at OPM icon Jim Paredes.

Noong isang linggo, binanggit ng Megastar sa kanyang Twitter account, @sharon_cuneta12 ang malaking paniniwala niya sa mga kandidatong senador na sina Mary Grace Poe at Bam Aquino.

Si Kris Aquino naman ay isa rin sa mga pinakasikat na endorsers ng Pilipinas bukod sa bunsong ka­patid ni Pangulong Noynoy Aquino at pinsang-buo ni Bam. Sasama rin siya sa isang civil society-led concert na tinatawag na Rock the Vote 2013. Sa kabilang banda, si Ogie ay nakita sa isang YouTube video na ipinahahayag ang kanyang suporta para kay Bam.

 

Show comments