^

Bansa

Turismo palalakasin ng 3 independent senat’l bets

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong independent senatorial candidate ang nangako ng suporta at tulong sa turismo para pa­lakasin ang pagnenegosyo ng mga independent travel agency sa Pilipinas.

Ito ang inihayag kahapon ng tatlong senatoriables na dumalo sa “Senatorial Candidates Forum on Tourism” na inorganisa ng National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) sa Shangri-la hotel sa Mandaluyong.

Kabilang sa dumalo sina Ricardo Penson, Rizalito David at si Ruth Casiño, asawa ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño.

Ayon kay Wanda Teo, presidente ng NAITAS, ang naturang forum ay para malaman ang plataporma ng mga kandidato ukol sa turismo na siya nilang ikinabubuhay na nasa pagnenegosyo ng travel agency.

“Kung maunlad ang turismo maganda rin ang pasok ng negosyo sa aming mga nasa travel agency kaya nararapat lamang na mamili kami ng pulitiko na may pakialam sa turismo,” pahayag ni Teo.

Iginiit naman ng tatlong kandidato na kasama nilang tututukan ang turismo dahil alam nilang ito ang isa sa mga bubuhay sa ekonomiya ng bansa.

Suportado rin ng mga kandidato ang mga independent travel agencies na nagbibigay din ng maraming trabaho sa ating mga kababayan.

BAYAN MUNA REP

NATIONAL ASSOCIATION OF INDEPENDENT TRAVEL AGENCIES

RICARDO PENSON

RIZALITO DAVID

RUTH CASI

SENATORIAL CANDIDATES FORUM

TEDDY CASI

WANDA TEO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with