MM niyanig ng 5.4 lindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng 5.4 magnitude na lindol ang Northern­ at Central Luzon partikular ang Metro Manila kahapon ng alas 10:27 ng umaga nang gumalaw ang Casiguran faultline.

Sa ginanap na press conference kahapon, si­nabi ni Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ka­ nilang naitala ang sentro ng lindol sa 17 kilometro ng Baler, Aurora na may lalim ng lupa na 5 kilometro at ito ay tectonic ang origin.

Niliwanag ni Solidum na wala namang direk­tahang epekto sa Marikina faultline na malapit sa MM ang paggalaw ng Casiguran faultline. 

Ang naturang pagyanig ay naramdaman sa lakas na Intensity 5 sa Baler, Aurora; Intensity 4 sa Palayan City, Cabiao, Bongabon at San Jose, Nueva Ecija; Santiago City, Isabela; Intensity 3 sa Tarlac City; Cabanatuan City; Dagupan City; Caua­yan City, Isabela; Infanta, Quezon; Mandaluyong City; Quezon City; Taguig City; Pasay City; Antipolo City, Intensity 2 sa Clemente, Tarlac; Aglipay at Maddela, Quirino; Manila City; Malolos City, Bulacan samantalang Intensity 1 sa Clark, Pampanga; Makati City.

Wala namang naitalang nasugatan o gusaling nasira sa insidente.

Show comments