2013 outstanding alumnus pararangalan ng V. Mapa HS

MANILA, Philippines - Pararangalan ngayong araw ng Victorino Mapa High School Alumni Association ang kanilang 2013 outstanding alumnus sa pamamagitan ng tinawag nilang ‘The Blue Falcon awardees.’

Ang parangal ay gaganapin ganap na alas-4:00 ng hapon sa Fiesta Pavillion Ballroom ng Manila Hotel. Kasabay nito ang pagdiriwang ng 2013 VMHS Grand Alumni Homecoming.

Sinimulan noong 2983, ang Blue Falcon Award ang pinakamataas na pagkilala sa mga outstanding alumnus ng paaralan. Aabot na sa 300 ang nakatanggap nito mula sa mga milyong bilang na nagtapos sa tanyag na eskuwelahan.

Sina dating Comelec chairman at retired Supreme Court Justice Jose Melo, retired Chief Justice Artemio V. Panganiban, dating Budget Secretary Salvador Enriquez, veteran singer Rico J. Puno and entertainment writer Ogie Diaz ang ilan sa mga tumanggap na ng parangal mula sa Blue Falcon awards.

 

Show comments