Hirit ng VACC... Chief of staff ni JPE i-lifestyle check

MANILA, Philippines - Nais ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), na i-lifestyle check si Atty. Gigi Reyes, Chief of Staff ni Senate President Juan Ponce Enrile matapos lumutang ang balita na parte diumano ng tinaguriang “dicta­torship” sa Senado.

Ayon kay Dante Ji­me­nez, chairman ng VACC, seryosong aku­sasyon ang isiniwalat sa privilege speech ni Senator Alan Peter Cayetano at sa ka­nilang pagtaya ay posi­bleng may katotohanan ito at pawang may basehan kung kaya naman dapat na umaksyon ang Se­nate Ethics Committee at imbestigahan ang tunay na papel ni Reyes sa liderato ng Senado.

Sinabi ni Jimenez, ang naging pagsagot ni Reyes sa ilang Senador at pagtawag sa mga ito na hypocrite ay malinaw na unethical na hindi da­pat palampasin ng Senado.

Giit ni Jimenez na dapat i-lifestyle check si Reyes dahil na rin sa sinasabing sobra sobrang yaman nito bagamat Chief of Staff lamang ito ng isang Senador.

Sinasabing si Reyes ay nakatira sa pamoso at bagong bahay sa num­ber 34 Starline Road cor. Hillside Loop, Blue Ridge B, Quezon City at marami umano itong luxury vehicles.

Puro milyong hala­gang kasuotan at alahas din diumano tulad ng Hermes at Bulgari ang kanyang pag-aari at sa ibang bansa namimili ng mga mamahaling gamit.

Naging usap-usapan umano ang magarbong pagdiriwang ng kaara­wan kamakailan ni Reyes na ginanap sa Shangrila Hotel.

Nilinaw naman ng VACC na walang perso­na­lan sa kanilang kahili­ngan na imbestigahan si Reyes bagkus ay panahon na umano para buksan ang usapin, isiwalat ang katotohanan at mabago ang sistema sa Senado.

Aminado naman ang VACC na may dapat ding ipaliwanag ang mga se­nador dahil pinahihin­tu­lutan nito ang pakiki­ alam sa Senate affairs ng isa lamang Chief of Staff na nagprepreside pa sa mga caucus meetings.

 

Show comments