2 US warships dumating sa PH

MANILA, Philippines - Sa kabila ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS) bunsod sa pinag-aagawang teritoryo, dalawang US warships ang dumating sa bansa noong Sabado para sa routine port call.

Ayon sa United States Embassy, ang USS Gridley (DDG-101), isang Arleigh-Burke Class Destroyer na bahagi ng US Pacific Fleet, ay dumaong sa Cebu Port.

Nabatid na dumating din ang USS Gridley noong nakalipas na buwan sa Manila Bay.

Samantala, ang USS Bremerton (SSN 698), isang submarine mula sa Los Angeles ay nakadaong naman sa Subic Bay.

“Both port calls emphasize the “strong historic, community, and military connections between the United States and the Republic of the Philippines.” It will allow the ships to replenish supplies as well as give the crew an opportunity for rest and relaxation,” ayon sa statement ng US Embassy.

Idinahilan ng US na ang pagdating ng mga US warships sa Pilipinas ay hindi upang hamunin o i-challenge ang China sa kasagsagan ng sigalot o territorial dispute ng Pilipinas at iba pang Asian countries kabilang ang China na pinaka-mainit na claimant sa mga isla sa WPS.

Show comments