Sambayanan inangat ni Janine sa Miss U

MANILA, Philippines -  Binati ng Malacañang si Janine Tugonon matapos itong tanghaling 1strunner up sa 2012 Miss Universe Pageant na ginanap sa Las Vegas, USA.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La­cieda, ipinagmamalaki ng sambayanang Filipino ang pagwawagi ni Ms. Tugonon dahil sa tagumpay na nakuha nito kung saan ay pinatunayan na angat talaga ang lahing Pilipino hindi lamang sa larangan ng sports kundi maging sa kagandahan.

Inakala ng mara­ming watchers sa Miss Universe na si Tugonon, 23 anyos na pharmacist mula sa Balanga, Bataan at nagtapos na cum laude sa University of Sto. Tomas, ang mag-uuwi ng korona dahil sa talino sa kanyang pagsagot sa Q and A portion.

Tinanghal namang 2012 Miss Universe ang pambato ng Estados Unidos na si Olivia Culpo mula sa 88 kandidata.

 

Show comments