_ngayon
^

Bansa

15 pang partylists inalis ng Comelec

Ni Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 15 partylist groups ang nilalalaman ng panibagong listahan na hindi maaring lumahok sa 2013 midterm elections.

Kabilang sa 15 grupo ang tatlong bagong aplikante habang ang 12 naman ay dati nang napagkalooban ng accreditation.

Kasama sa 12 regis­tered party list ay may kasalukuyang kinatawan sa Kongreso partikular ang grupong Kakusa o Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala na kinakatawan ni Ranulfo Canonigo.

Ang 11 pa ay ang  Agri; Akma-PTM; Ako Agila; Ako Bahay; Bantay; Pacyaw; PM Masda; Cofa; Araro; Katutubo at Opo.

Ang tatlong bagong aplikante na pinal namang ibinasura ang hi­ling na accreditation ay ang RAM Guardians; Alyansa para sa Demokrasya at Association of Airline and Airport Workers.

Samantala, bukas ang mga tanggapan ng Co­melec sa Biyernes, Oktubre 26, sa kabila ng pagdedeklara ng Malakanyang na regular holiday ito bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim.

Ito’y para mas ma­bigyang pagkakataon ang mga magpaparehistro dahil may 7 araw na lamang ang nalalabi sa publiko para sa pagpapatala bilang botante.

Nauna nang sinabi ng Comelec na hindi na nila palalawigin pa ang voters’ registration dahil napakahaba na ng panahon na kanilang ibinigay para rito.

ADHA AGRI AKMA AKO AGILA AKO BAHAY ASSOCIATION OF AIRLINE AND AIRPORT WORKERS FEAST OF SACRIFICE RANULFO CANONIGO WALANG SALA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with