Marian Rivera cover ng FHM Thailand sa Enero

MANILA, Philippines - Umabot na ang kagandahan at kaseksihan ng Kapuso primetime queen Marian Rivera hanggang sa Thailand.

Si Marian lamang naman ang cover ng For Him Magazine o mas kilala sa acronym na FHM para sa January edition nito.

Siya mismo ang nag anunsyo nito sa kanyang instagram account na @therealmarian kung saan sinabi niyang "honored" siya na maging cover ng FHM Thailand.

Kapareho ng January cover ng FHM Philippines ang ilalabas ngayong Enero sa Thailand.

Ngayong 2013 ay naagaw ni Marian ang titulong "Sexiest Woman in the World” ng FHM Philippines sa kapwa Kapuso talent na si Sam Pinto.

Show comments