Bike Rider dedo sa road mishap

RIZAL , Philippines  â€” Kamatayan ang sumagi sa 22-anyos na motorcycle rider habang sugatan naman ang angkas nito matapos na sumalpok sa sinusundang motorsiklo sa kahabaan ng ML Quezon Avenue sa Barangay San Isidro, bayan ng Angono, Rizal kahapon.

Kinilala ang namatay na si Patrick Lawrence Santos ng Villamarin compound, Manila East Road habang sugatan naman ang kaangkas na si John Orly Laraño, 21, ng Block 1, Lot 16, Homepoint Village sa nasabing barangay.

Sa ulat ni PO2 Nathaniel Lopeña ng Angono PNP, magkaangkas ang mga biktima ng motorsiklo kung saan patungo ng bayan ng Taytay nang masagi ang hulihan ng isa pang motorsiklo.

Nawalan ng kontrol ang driver na si Santos kaya sumemplang sa kahabaan ng highway.

 

Show comments