Ex-Chief Justice Narvasa pumanaw na

MANILA, Philippines – Pumanaw na ang dating Supreme Court Chief Justice at dating abogado ni Pangulong Joseph Estrada na si Andres Narvasa ngayong Biyernes ng umaga, ayon sa opisyal ng mataas na hukuman.

Sinabi ng tagapagsalita ng Korte Suprema Atty. Theodore Te sa isang text message, namatay si Narvasa sa edad na 84 bandang 6:05 ng umaga.

Si Narvasa ang pang-19 Chief Justice ng bansa na itinalaga sa puwesto ni dating Pangulo Corazon Aquino noong Abril 10, 1986.0

Matapos ang kanyang serbisyo sa Korte Suprema ay kinuha siya ni Estrada bilang tagapangulo ng Preparatory Commission for Constitutional Reform.

Si Narvasa rin ang naging abogado ni Estrada noong nililitis ang dating pangulo sa impeachment trial.

Show comments