Derek nangakong aalagaan ang bagong dyowang si Cristine

MANILA, Philippines – Ipinangako ni Kapatid actor Derek Ramsay sa kanyang mga fans na aalagaan niya ang kanyang bagong girlfriend na si Cristine Reyes.

Sinabi ito ni Derek sa pamamagitan ng kanyang Twitter account nang magtanong ang isang fan account ni Cristine.

“Love you both... Alagaan mo po sya ha? Hope kayo na forever,” pahayag ng Twitter account Cristine Reyes Fans (@4everaadiks) sa social networking site.

Kahapon ay nag-tweet din si Derek tungkol sa kanilang relasyon ni Cristine at sinabing kinain niya ang kanyang sinabi na hindi siya magde-date ng kaibigan.

Kaugnay na balita: Sina Derek at Crisitine na?

Matipid pero malaman ang naging sagot ni Derek sa fan account ni Crisitine.

Nagkasama sa pelikulang “No Other Woman” ng Star Cinema ng ABSCBN sina Derek at Cristine noong 2011.

Huling girlfriend ni Derek si Angelica Panganiban, habang noong Enero naghiwalay si Cristine at Rayver Cruz.

Nang tanungin si Cristine sa press conference ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” kung ano ang nagustuhan niya kay Derek sinabi niyang pareho silang masiyahin.

“Pareho kaming baliw. Pareho kaming outgoing. Tapos family man siya, iyon yung pinakagusto ko sa kanya,” sabi ni Cristine.

Show comments