Gretchen: #IkawbasiGod?
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2013 - 2:04pm

MANILA, Philippines – Nainis ang aktres na si Gretchen Barreto sa entertainment media nang tanungin kung ano ang reaksyon niya sa mga isyu sa kanyang pamilya.

Tila ayaw nang magkomento ni Gretchen sa mga isyu ng kanyang nakababatang kapatid na si Claudine, na nitong nakaraang linggo ay laman ng balita dahil sa isyu nito sa asawang si Raymart Santiago.

“Bakit, anong pakialam ninyo sa pamilya namin?” sagot ni Gretchen kahapon nang tanungin ang kanyang komento sa isyu ng mag-asawang Claudine at Raymart.

Kaugnay na balita: Protection order hiling ni Claudine vs Raymart

Nasangkot din si Gretchen sa “word war” sa pagitan ng kanyang nanay na si Inday Barreto at kapatid niyang si Gia Barreto-Reyes.

Sinabi ni Gretchen na hindi na siya parte ng pamilyang Barreto kaya naman wala nang dapat na itanong sa kanya tungkol sa mga isyu sa naturang pamilya.

"Kung natatandaan niyo po, tinakwil na po ako. So in other words, wala na kayong karapatan tanungin ako tungkol sa Barretto because I’m not part of that family anymore,” ani Grethcen sa panayam sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival.

 â€œTahimik na rin po ang buhay ko. Kung nanu-notice niyo naman po, puro career na lang at pamilya ko at anak ko ang pinagtutuunan ko ng pansin,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Gretchen na tanging ang asawa niyang si Tony Boy Cojuangco, anak nilang si Dominique at kapatid na sina Marjorie at Jayjay na lamang ang kanyang itinuturing na pamilya.

“Kaya 'wag natin isali ako at si Marjorie sa mga gulo na hindi naman kami dapat isali pa because I think I learned a big lesson na lumayo na lang, magpakalayo na lang para walang gulo,” Gretchen added. “’Pag walang sinasabi, at least walang problema.”

‘Ikaw ba si God?’

Nang tanungin pa si Gretchen ng kanyang prayers sa lahat ng mga tao ay tila napuno na talaga ang aktres kahit hindi pa tapos ang tanong ng reporter.

 â€œBakit ko naman is-share sa iyo? Ikaw ba si God?” sagot ni Gretchen na kabilang sa Cinemalaya entry na The Diplomat Hotel.

“You’re not God. I will not pray to you. I will not share. I mean, stop it,” dagdag niya.

Nakiusap si Gretchen na huwag nang masyadong pakialaman ang kanyang buhay.

“Bakit, what for? Para masaya kayo at bahala na ako? Hindi ganun yun, eh. Pati prayers ko, pinakikialaman ninyo? Bakit, 'di ba?” sabi ni Gretchen.

 â€œArtista ako, that’s all I can give you. Huwag niyo nang anuhin ang pribado kong buhay.”

BAKIT CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL CLAUDINE DIPLOMAT HOTEL GIA BARRETO-REYES GRETCHEN GRETCHEN BARRETO IKAW INDAY BARRETO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with