46 pamilya sa NCotabato lumikas dahil sa baha

MANILA, Philippines – Dahil sa matinding buhos ng ulan nitong na nakalipas na dalawang araw, umapaw ang mga ilog dahilan upang ilikas ang 46 pamilya mula sa bayan ng Tulunan at Kabacan sa North Cotabato.

Sinabi ng mga opisyal ng Tulunan municipal disaster risk reduction and management council na daan-daang pamilya ang naapektuhan matapos umapaw ang mga dike at mga ilog sa Minampan at Maybula.

Inanod ng umapaw na tubig ang mga tanim mula sa sakahan gayundin ang ilang hayop, dagdag ng Tulunan MDRRMC.

Bukod sa mga binahang bahay at pananim, apektado rin ang klase sa walong barangay sa bayan ng Kabacan.

Show comments