Bahagi ng SM Hypermarket sa Cavite nasunog

MANILA, Philippines - Tinupok ng apoy ang isang bahagi ng SM Marketmall sa lungsod ng Dasmariñas sa Cavite ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa SM management, ang tindahan ng CD-R King ang tinamaan ng sunog sa loob ng SM Marketmall sa Barangay Gulod. Umabot ang sunog sa ikatlong alarma.

Sa isang text message, sinabi ng SM management na patay na ang sunog bandang 11 ng umaga at nagsasagawa na lamang ang mga bombero ng mopping up operations.

Inaalam pa ang pinagsimulan ng apoy.

Show comments