Balikbayan pinaslang sa harap ng sementeryo sa Laoag

MANILA, Philippines  – Utas ang isang “Balikbayan” mula sa France nitong Linggo ng gabi sa Barangay Mangato sa Laoag City.

Tinambangan ang biktimang si Zaldy dela Cruz ng mga armadong lalaking sakay ng motorsiklo sa harap ng sementeryo ng naturang siyudad.

Nakita ng kapatid ng biktima na si Robert ang pangyayari. Pinaputukan din ng mga salarin si Robert na masuwerteng nakaligtas.

Walang suot na helmet ang mga namaril sa kanyang kapatid, ani Robert.

Hindi pa rin alam ng mga pulis ang motibo sa likod ng pananambang.

Show comments