Comelec may 2 bagong commissioner na

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. ngayong Huwebes na mayroon nang dalawang bagong commissioner ang poll body.

"May report ako na mayroon nang nai-appoint. Hindi ko muna sasabihin baka magtampo sa akin eh," sabi ni Brillantes sa isang panayam sa radyo at inilarawan niya ang  dalawa bilang ‘outsider’ o hindi empleyado ng Comelec.

Aniya kapwa mula sa pribadong sektor ang dalawang bagong commissioner at inaasahang magre-report sila sa opisina sa darating na Lunes.

Una nang itinalaga ni Pangulong Benignog Aquino III sina dating Lanao del Norte Rep. Macabangkit Lanto at election lawyer Bernadette Sardillo ngunit kapwa nila tinanggihan ang puwesto.

Show comments