Trak sumalpok sa malaking bato sa Zamboanga; 3 patay

MANILA, Philippines – Tatlo ang patay habang isa ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyan nilang trak sa isang malaking bato sa gilid ng highway sa Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 (PRO), patungong General Santos ang trak, na may plakang PEO 142, at minamaheo ng isang Federico Itang nang sumalpok ito sa bato sa Barangay Dumanga bandang 8 ng gabi.

Pinangalan ni Huesca ang mga biktimang sina Roter Saligan, Dennis Dayag, at Katherine Misa, habang lubhang nasaktan ang tsuper na si Itang.

Naibigay na ng mga awtoridad ang bangkay ng mga biktima sa mga kamag-anak nito.

Show comments