6K residente ng Butuan lumikas dahil sa baha

MANILA, Philippines – Halos 6,000 residente sa 21 baranggay sa lungsod ng Butuan, Agusan del Norte ang lumikas dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha, ayon sa  Office of Civil Defense (OCD) ngayong Biyernes.

"In Butuan City, 21 barangays had been affected by flooding. This includes 1,628 families or 5,962 people. All of them had been evacuated and brought to evacuation centers," sabi ng pinuno ng OCD Caraga na si Blanche Gobenciong.

Hanggang bewang ang baha sa ilang baranggay kaya naman itinaas na ang Alert leve 3 sa lungsod, dagdag ni Gobenciong.

Sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na taltong kalsada at isang tulay sa Caraga nag hindi pa rin maaaring maraanan.

Kabilang dito ang Pagmam-an Bridge sa Bislig; ang national highway sa baranggay San Vicente, Poblacion, Barbob; at ang national highway sa Barangay Dughan-Poblacion, Tagbina, Surigao del Sur.

Samantala, ang kalsada sa baranggays Segovia at Lapura sa Talacogon, pati ang Poblacion-Barangay Nuevo Trabajo Road sa San Luis ay nararaanan pa naman.

Isinailalim na sa state of calamity ang Norala dahil pagbaha, sabi ng NDRRMC.  – Jovan Cerda

Show comments