Babae tumalon sa riles ng MRT

 

MANILA, Philippines – Bahagyang natigil ang operason ng Metro Rail Transit (MRT) bago magtanghali nitong Huwebes dahil sa aksidenteng ikinasugat ng isang babae sa Shaw Boulevard station sa Mandaluyong City.

Sinubukan ng babae na magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa rles ng tren mga bandang 11:14 ng umaga.

Naipit ang paa ng babae ng paparating na tren. Naisugod kaagad ang babae sa ospital at isinsulat ang balitang ito ay hindi pa batid ang pinsalang tinamo niya sa paa.

Naibalik rin kaagad ang naantalang operasyon ng MRT bandang 12:30 ng hapon.

Show comments