12 sunog sa bisperas ng Bagong Taon naitala sa MM

 

MANILA, Philippines - Umabot sa 12 insidente ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Kamaynilaan nitong Lunes.

Ayon kay Chief Inspector Renato Marcial, hepe ng BFP-National Capital Region, lima sa mga insidente ng sunog ay naitala mismong Lunes ng gabi habang sinasalubong ang Bagong Taon sa Kamaynilaan.

Aniya, isa sa mga insidente ang kumpirmadong paputok ang pinagsimulan. Inaalam pa nila ang dahilan ng ibang insidente.

Kabilang naman sa mga naitala nitong Lunes ng gabi ay ang sunog sa Amado Hernandez Elementary School sa kalye ng Herbosa sa Tondo. Isa pang insidente ang naitala rin sa Quezon City.

Ayon kay Marcial, mababa pa rin ang naturang bilang kung ikukumpara ito noong 2011 na umabot sa 21.

Show comments