^

Balita Ngayon

Magsasaka sa Sultan Kudarat utas sa granada

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang magsasaka nang masabugan ng granada sa kanyang bahay nitong Martes ng hapon sa Columbio, Sultan Kudarat.

Kinilala ang biktima na si Tuasi Dilangalen, 60. Namatay siya matapos ihagis ng isang suspek ang isang granada sa kanyang bahay.

Ayon sa mga pulis, away sa lupa ang malamang na dahilan sa pagpaslang kay Dilangalen.

Ayon kay Chief Inspector Celestino Daniel, hepe ng pulisya ng Columbio, natutulog ang biktima  nang ihagis ang granada mula sa bintana ng kanyang bahay.

Napag-alaman na may alitan dahil sa lupa si Dilangalen at isang Monsod Mangalen.

Sinabi naman ng mga lider ng Bilaan tribe na bago ang insidente ay naayos na ang gusot at napagkasunduang lilipat ng lugar si Dilangalen na lumipat sa ibang lugar, ngunit tumanggi ito.

Ipinatawag na si Mangalen ng mga imbestigador upang kwestyunin dahil sa pagdududang may kinalaman siya sa insidente. John Unson

AYON

BILAAN

CHIEF INSPECTOR CELESTINO DANIEL

COLUMBIO

DILANGALEN

IPINATAWAG

JOHN UNSON

MONSOD MANGALEN

SULTAN KUDARAT

TUASI DILANGALEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with