^

Para Malibang

Zombie Family (226)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“AFFIRMATIVE!” Sigaw ng commander ng Philippine Navy.

Na ibig sabihin ay kailangan nang mag-fire ng mga sundalong kanina pa nakahanda sa gilid ng barko.

“Sir, paano kung hindi siya…” Ang isang sarhento ng navy ay hindi nakatiis.

Nag-aalala. Baka hindi totoong zombie, namamalik-mata lang sila. O mali ang tingin sa paglangoy nito.

“Hindi ako bulag o tanga, Sergeant! Malinaw ang nakikita ko! That one is not normal! zombie siya and with super speed!”

“Ang akin lang naman ho … hindi tayo masyadong sigurado. Saka bata pa siya, sabi n’yo nga, teenager lamang.”

“Hindi ba teenager na babae ang isa sa mga zombies? Anak nina Herman at Marga. At saan ba siya nanggaling? Di ba diyan sa islang puno ng mga body parts ni Marga? At nandidiyan din ang kanilang ama!”

“Iyon pa nga ho, Sir, e. Pinababaril ninyo siya, paano kung magkakabistay-bistay at magiging body parts din?”

Natigilan ang commander.

Nag-isip sandali.

Saka nagpasya.

“Hindi ba mula nang naging body parts na lang si Marga, kahit dumami sila nang husto, walang patayan? Walang kainan ng laman. Walang sinaktan ang mga body parts.”

“Totoo nga po ‘yan kaya naman po hindi natin sila ginagalaw diyan sa isla. Hindi tayo nagpapaputok kahit isa dahil so far, safe naman ang body parts.”

“So hindi ba ibig sabihin, okay kung bistayin natin ng bala ang teenager na ‘yan?”

“Papatayin natin?”

“Patay na naman siya bilang zombie na siya, hindi ba? Ang gagawin na lang natin ay gawin siyang body parts para bumait. Hindi na kakain ng laman ng tao. Hindi na papatay.”

“S-Sir … b-bahala na nga po kayo. Sarhento lang naman ako. Kayo pa rin po ang dapat susundin. A true soldier should always obey his superior.”

“Okay. Then … back to your position. And …aim!”

Tuloy lang sa paglangoy ang teenager na babae.

Taranta naman si Herman sa pag-utos sa mga body parts. “Bago makapanakit o masaktan ang anak ko, kunin ninyo siya! Ibalik ninyo siya rito!” 

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with