^

Para Malibang

Zombie Family (219)

Gilda Olividado - Pang-masa

PARA na lamang nag­lalaro sa dagat habang sakay ng higanteng tey­nga at tiyan ang dalawang teenagers.

Akala mo ay sakay ng mga maliliit na bangka.

“Wow! Galing ni Mommy, a!”

“Naging mga body parts na lang, happy ka?”

“Cool nga, e! Hindi na siya nakakadiri! Saka parang may army of body parts na mapapakinabangan!”

“Sana lang, makatulong sila sa atin kapag kailangan na natin! Pag nagutom tayo ng tao sa isla, ano kaya’ng gagawin nila?”

“Palagay ko, tutulu­ngan tayo ng mga ito. Kasi, Mommy natin siya, e. Kaya nga siguro tayo nila iniligtas kasi love tayo ng mga body parts na ito kasi siya si Mommy! Kilala niya tayo!”

“At alam niya kung sino siya?”

“Right! Wheeeee! Ang lapit na natin sa isla!”

“May nakikita akong lalaki kasama ng mga body parts sa tabing-dagat, si Daddy na kaya ‘yan?”

“Sigurado. Wala na namang ibang taong puwedeng tumira sa isla except Dad!”

“Does he miss us?”

“I miss him!”

“Hindi pa rin siya zombie. Ang itsura niya, tao pa rin!”

“May idea kaya siya kung sino sinusundo ng mga body parts na ito?”

“I don’t know. Pero malapit na tayo, malalaman na natin.” NATATANAW na ni Herman ang napakara­ming body parts na pabalik sa isla. At kita na rin niya ang dalawang teenagers na tangay ng mga ito.

“May sinundo o iniligtas sila! Dalawa! I have no idea kung sino ang mga ito! But they are safe. Hindi sila sinasaktan ng mga body parts!”

Hindi pa niya mapagsino ang mga ito. Hindi pa nakikilala ang mga anak dahil wala naman siyang teleskopyo. Ang piloto naman at kasamahang sundalo ay nakasampa na sa navy ship. Nakaligtas.

Gamit naman ng isang officer ang high-powered telescope at kita ang pag­ligtas ng mga body parts sa dalawang teenagers.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with