^

Para Malibang

‘Miracle bleach’ pinapainom ng nanay sa anak na may autism!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Tinatadtad ngayon ng samu’t saring salita ang isang ina na diumano ay nagpainom ng sabong panlaba sa kanyang anak na may autism bilang gamot dito.

Ang formula na kilala bilang Miracle Mineral Solution (MMS) ay may halong industrial bleach, sodium chlorinate, at citrus acid na inihahalo sa tubig.

Ayon sa iba, nakaka­galing daw talaga ito ng mga sakit at kakaibang kondisyon tulad ng HIV, hepatitis, acne at cancer, at kahit nga raw autism. Pero sabi ng mga doktor, hindi raw ito effective at sobra nitong delikado sa kalusugan.

Ipinaglaban naman ng babae ang kanyang desisyon.

“When you have someone who tears up their arms and screams all the time and can’t speak and they’re trapped in their own body – that’s not normal, and that’s not something they were born with.

“That’s torturous, and my son deserves relief from that.”

“If I was poisoning them with bleach, wouldn’t their health be getting worse instead of better?”

Nakarating naman sa ex-husband ng babae ang ginagawa nito at inireport na raw niya sa pulisya.

“This thing claims to cure everything. It’s such a ludicrous idea. She’s giving my sons bleach to try to cure their autism.

“It is akin to child abuse in my opinion. I fear for their health, their safety,” ani ng dating asawa nito.

Apat ang anak ng da­ting mag-asawa at lahat ng ito ay may autism, hindi nga lamang sigurado ang lalaki kung pati ang bunso niyang anak ay pinaiinom na rin ng MMS.

Noong nakaraang taon, kinumpirma na ang MMS ay hindi nakakagaling ng autism, pero ayon sa Scientology, mahigit 20 years na raw na ginagamit ang nasabing bleach bilang panggamot sa mga sakit.

 

vuukle comment

AUTISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with