^

Para Malibang

Zombie Family (170)

Gilda Olvidado - Pang-masa

YANIG sina Herman at head ng task force.

“Pareho tayong nakita ang rabbit, tama?”

“Nakita ko at biglang nawala!”

“Kinain?”

“Nino?”

“Sino pa ba?”

“Mga pira-pirasong Marga na nasa ilalim ng buhangin. Kinain nila ang rabbit!”

“Puwede pala siyang nandidiyan lang pero nakakapatay pa rin!”

“At maaring dumadami ang mga pira-pirasong Marga. Dahil panay ang kain niya,  baka posibleng nagmu-multiply din ang mga pira-pirasong ‘yon.”

“Puwedeng ang buong buhanginan na ‘yan ay mapupuno!”

“Wala nang makakala­kad diyan nang hindi nila kakainin!”

“Jesus … bakit ganoon … bakit lalo pa siyang nagiging makapangyarihan?”

“If there is Jesus … and there is God … bakit niya ito hinahayaang mangyari?”

Pinakalma ni Herman ang head na nauubusan na yata kaagad ng faith and trust sa Diyos. “Don’t say that. Dapat nga lalo tayong maniwala. Dahil siya lang naman puwede nating kapitan.”

“Pero naubos ang mga kawal ko! At ngayon, di natin alam paano pigilan ang demonyang ‘yan!”

“Ang importante muna sa ngayon, walang maliligaw diyan na puwedeng walang awang kakainin ni Marga.”

“There! Tingnan mo! May butingting na dinala ng mga alon!”

“Oh, my God! Duguan, may sugat!”

“Kahit isda lang ‘yan, kailangan nating matulungan!”

“Pero baka … kakainin lang din siya ng mga pira-pirasong Marga!”

Nanlulumo at takot na takot na wala silang magawa.

Hinihintay na lamang nila na basta na lang mauubos ang dambuhalang isda.

Naghintay.

Inihahanda ang mga sarili.

Alam nilang malagim na naman ang masasaksihan nila.

Patuloy na naghihintay.

Ang dambuhalang isda ay may maliit lang na sugat. Para  bang nagpapahinga lang. Huwag lang sana itong makain ng mga pira-pirasong Marga, mabubuhay ito. -  ITUTULOY

 

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with