^

Para Malibang

Zombie Family (156)

Gilda Olvidado - Pang-masa

SIGURO nga sa tagal nang pagkawala ng asawa, kinailangan na rin ni Laurice makahanap ng dibdib na masasandigan.

Para kasing nauubos na ang tapang niya.

At isang maginoo si Nikolai na nakahandang magbigay ng tapang sa kanya.

SA isla, dahil sa kanilang special communication equipment, nakatanggap na ng information ang task force.

“Ito na nga ang helicopter na sinakyan ng mga turista. Sa tubig nga nawala ang sasakyan.”

“Pero, Sir … hindi tayo nakakasiguro kung kailan sila bumagsak sa tubig. Hindi ba sila nakarating sa isla? O nanggaling na sila ng isla nang bumagsak ang helicopter?”

“Wala na tayong nakitang mga kagamitan nila sa tabing-dagat. Pero possible namang nang tumaas ang tubig ay inanod na.”

“Ganoon na nga siguro ‘yon, Sir. Marami pa talagang katanungan.”

“Ang gubat, baka kapag pinasok na natin ay marami tayong malalaman. And we will do that in the early morning. Papasukin na natin ang maliit na gubat na ‘yan.”

“Yes, Sir.”

MADALING-ARAW, nagising na si Herman.

Nakabawi na ng lakas.

Gusto niyang matanaw si Marga sa kinaroroonan nito, para ma-assess kung gaano na naman ito kamapanganib.

Bumaba siya sa punong-kahoy na pahingahan.

At lumakad papunta sa gilid ng gubat.

Para masilip ang zombie.

Natigilan siya. Dahil ang nakita niya ay mga helicopters,  at mga tents at mga sundalo.

“Oh, God …”

Hindi alam ni Herman kung matutuwa. O matatakot para sa buhay ng mga sundalong ito.

Hindi niya alam kung sino ang magwawagi.

Si Marga ba?

O ang marami rin namang bilang ng mga sundalo na naparito sa isla para alisin ang mapanganib na zombie. - ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with