^

Para Malibang

Burnout sa trabaho

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Ang burn out sa trabaho ay special na klase ng stress dahil sa sobrang pagkapagod physically o emotionally na nagpapabawas ng motivation sa trabaho.

Ang burnout ay hindi medical diagnosis. Ang ilang expert ay inuugnay ang kondisyon sa depression. Ang iba naman ay nagmumungkahing hindi trabaho ang dahilan ng kanilang burnout. Kailangan lamang kung ano ang gagawin kung nababagot na sa trabaho at hindi ka na happy. Ang ilang sintomas ng job burnout ay gaya ng kung puro pintas na lang ang ginagawa mo sa iyong trabaho na wala ka nang makitang maganda sa iyong work. Kapag wala ka nang pasensya o irritable sa kaopisina o maging sa customer o clients.

Wala ka ng energy at hindi ka na productive. Hindi na masaya sa iyong achievement. Ginagamit ang pagkain, drugs, o alcohol para maibsan ang nararamdaman. Nababago ang tulog. Hindi maipaliwanag ang sakit ng ulo, tiyan, at ibang physical na nararamdaman.

Kung ang sagot sa lahat ng tanong ay “oo” maaaring nakararanas ng job burnout. Puwedeng makipag-usap sa mental health provider o sa doctor dahil puwedeng ang mga nararamdaman ay kaugnay din ng health condition gaya ng depression.

vuukle comment

TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with