^

Para Malibang

Kabuhayan showcase ng OFW

BUHAY OFW - Pang-masa

Ang pamilyang umaasa ng regular na padala mula sa money remittance ng Overseas Filipino Wor­kers ay dapat nakahanda  rin na isang araw ay matitigil din ang pagpapadala ng kapamilyang OFW.

Ang miyembro ng pamilya na nakadepende sa remittance ay kaila­ngang mag-isip din na hindi forever na magpapadala ang OFW. Hindi inaasahan na puwedeng magkasakit, mawalan ng trabaho, maaksidente, o biglang bawian ng buhay.

Lahat ay puwedeng mangyari at magkaroon ng problema na nararanasan ng kababayan nating OFW. Hindi lamang isang tao ang apektado sa pamilya dahil nandiyan si nanay, tatay, mga kapatid, misis, at mga anak. So paano kung may mangyari, eh lahat ay ngawa at kawawa.

Kailangang bago pa lamang umalis ng bansa ay may plano na ang OFW at pamilyang maiiwan. Pareho dapat malinaw sa kanila na hindi puro masasarap at magagandang bagay lamang ang iniisip.

Kundi matutong ayusin kung saan dapat mapupunta ang perang pinadadala at kasabay nito ang pag-invest ng pagkukunan ng kabuhayan showcase ng pamilya. Para alam ng pamilya ang target ng OFW at hindi puro hingi lang ang mangyayari, kundi matutunan na i-hit ang target na mapag-aral ang mga anak, makabayad sa bahay, at magkaroon ng negosyo ang pamilya. Para hindi lahat ay palabas ang perang pinaghihirapan ng mga masisipag na OFW nating kapamilya.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with