^

Para Malibang

Zombie Family (136)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAKALIPAD na ang helicopter.

Bukod sa apat na pasahero at piloto, may tangay.

Ang kikiwal-kiwal na kalahati ng daliri ni Marga. Palatandaang lahat na himay ng katawan ng zombie ay may buhay.

Kahit maputol sa main body.

“Jesus!” Kinilabutan ang turistang lalaki na nagpa-pilot sa helicopter.

“Nakakadiri! Nakakatakot!”

“Puwede kayang itapon natin sa dagat?”

“No! Huwag!” tumutol kaagad si Herman.

“Kuya Herman, huwag mong sabihing pati ang kapirasong daliri ay mahal mo pa rin?”

Umiling si Herman. “Iisa lang ang mahal ko. Hanggang ngayon.”

“Sino ho?”

“Ang tunay kong asawa, ang tanging pinakasalan ko. Si Laurice.”

“Eh, bakit n’yo pa ho gustong dalhin ang buhay na daliri ng zombie?”

“Para mapag-aralan. May expert sa zombie na doctor/scientist at kaibigan ko sa Maynila. Siya ang nakapagpagaling sa dalawa kong anak na naging zombie din. Pag nai-laboratoryo niya ang daliring ‘yan, kahit papaano siguro may malalaman siyang lunas para sa panganib na dala sa atin ni Marga. Baka makagawa siya ng gamot para mawala ang lakas ni Marga. O kaya maalis man lang ang sobrang bilis niya sa paglakad. Na dahilan kaya karamihan sa mga gusto niyang makain na tao ay naaabutan at nahuhuli niya.”

Hindi na nakasagot ang mga turista.

Nakumbinsi sila ng sinabi ni Herman.

Hanggang sa halos antukin na sila sa biyahe, nakatulog maliban sa piloto at si Herman.

Ang dalawang turis­tang babae ay himbing na himbing.

Nang biglang nagkikikisay ang isang tu­ristang babae.

Napatingin agad si Herman.

Ang mga mata ng nangingisay ay tumitirik sa trauma at sakit.

May nakatusok sa gitnang-gitna ng kanyang lalamunan, dumudugo ito.

Nang tingnan ni Herman kung ano iyon, kahit siya ay na-shock. Sino ang mag-aakalang pati pala daliri ng zombie ay kayang pumatay?

Ang bahagi ng daliri ang nakabaon sa gitna ng lalamunan, bumubulwak ang dugo sa gilid.          

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with