Maruming kuwarto nakakaapekto sa sex
Iligpit ang kalat, ayusin ang kama, palitan ang bedsheets, at maglinis.
Hindi ba nakaka-relax kung malinis ang kuwarto?
Nakakaengganyo rin ito sa pagse-sex.
Isipin mo, kung makalat, hindi ba nakaka-distract.
Hindi mo ma-concentrate ang ginagawa mo dahil may tambak ng labahan sa gilid, may nakakalat na pinagkainan, hindi pa naliligpit na gamit, mabaho ang kobre kama at punda.
Katunayan, nakakaapekto rin sa pagtulog ang mga kalat sa kuwarto. Yung bago ka matulog, naiisip pa ang kalat.
Tapos makukulangan ka sa tulog, tapos maaapektuhan ang kalusugan dahil kulang sa pahinga.
Kapag kulang sa tulog, may effect din sa sex life.
Kaya linis linis din at ligpit ligpit din para masaya.
- Latest