^

Para Malibang

Zombie Family (09)

Gilda Olvidado - Pang-masa

BUSOG na sila.

 

Kabaligtaran, dahil ngayon busog na sila, biglang nawala ang bilis ng paglalakad.

Dahan-dahan na lang ang mga hakbang pero tuwid na tuwid pa rin. Papunta sila sa isang lugar na tago.

Naroroon ang mga lihim nilang libingan. Bumaba ang tatlong bangkay sa kanya-kanyang libingan nila sa lupa.

Umupo muna sila saka itinabon ang mga loose na lupa sa kanila.

Maya-maya lang, kumpleto na ang pag­ka­ta­kip ng lupa sa kanilang katawan. Kung may maliligaw, mapapansin ang tatlong libingan ng lupa.

Pero  dahil sa sobrang sulok ng lugar na ito, halos imposibleng may maliligaw.

Katahimikan sa tatlong libingan.

Walang nakasaksi na kanina lang ay may tatlong bangkay na sunog na pumatay ng isang lasing.

Kung kailan uli sila babangon, sila lang ang nakakaalam.

ISANG balita sa tv ang tinutukan ng mga tao. Dahil sa sobrang nakakaki­labot ang kamatayan ng isang lasing.

“Halos walang ma­tira sa kanyang katawan. Natuyuan ng dugo. Pero hanggang ngayon walang kahit tsismis man lang kung sino ang pumatay sa taong ito.”

Napatayo si Herman, napansin ni Laurice na kinakabahan ang asawa.

“Herman, ano ‘yon?”

“Aywan ko ba, may kung anong dumunggol na lang sa isip at dibdib ko. Naikonekta ko sina Marga rito.”

“Ano ka ba? Hindi tama ‘yang kaba mo. Nawawala pa rin si Marga at mga anak ninyo, naiintindihan ko kung bakit ka kinakabahan at hindi mapalagay. Pero para ikonekta mo ang mag-iina diyan, mali ‘yon. Mga biktima sila. Hindi sila ang mambibiktima.”

“Wala pa ring ideya ang mga pulis kung ano ang nangyari sa kanila. Kung nasaan sila.”

“But that doesn’t mean konektado sila sa horrifying murder na ‘yan.  Hindi dapat itigil ang paghahanap sa kanila para mabigyan ng tamang funeral at burial.”

“Pero nasaan na kaya sila? Ano kaya kung lalapit na ako sa pinakamahusay na manghuhula. The traditional ways ay wala namang naibibigay sa atin na magandang resulta.”

- TUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with