^

Para Malibang

Multong Bahay (133)

Gilda Olvidado - Pang-masa

PAGKATAPOS mag­­linis ng multong buhay, naghanap naman siya ng makakain, ng maluluto.

Para pagdating ng kanyang mga magulang, magsasalo sila sa pagkain na ngayon lang uli mangyayari.

Noong siya pa si Agyana, wala ring pagkakataon na nakakasalo niya ang mga magulang.

Dahil puro mga pasosyal ding kaibigan ang kasama niya sa pagdi-dinner o pagla-lunch sa labas.

Habang namimitas ng mga naliligaw na gulay sa bundok na ito, naaalala ng multong buhay ang lahat na kasamaan niya sa parents.

At lalo siyang nagi-guilty.

“Kapag kumakain ako noon sa labas, mahal-mahal ng binabayaran ko pero ang sarap-sarap naman talaga. Kaya lang, ni hindi ko naaalalang dalhan o pasalubu­ngan sina Inay at Itay ng  mga ganoong pagkain. Inis pa ako sa pag-uwi ko dahil siguro alam kong nadagdagan na naman ang mga utang sa credit cards ko. At sa inis ko sa kasalanan ko naman, ang parents ko pa napagbubuntunan ko. Ni hindi ako nagmamano pag-uwi ko, sinisinghalan ko pa sina Inay at Itay.”

Namimitas naman ngayon ng mga kaymito ang multong buhay.

Nasa itaas siya ng puno.

Natuwa siya nang nakita ang pagkagagandang prutas na kaymito.

“Babawi ako. Dapat lang na pinakamagagandang mga kaymito ang ipapasulubong ko sa pagdating nina Inay at Itay. Miss na miss ko sila. Bakit noon, ni hindi ko magawang ma-miss sila? Kapag nagta-travel ako sa mga Asian countries, enjoy lang ako. Wala sa isip ko ang parents ko.”

Naramdaman na lamang ng multong buhay na habang siya ay namimitas ng mga kaymito sa itaas ng puno nito ay basang-basa na ang mga mata at pisngi niya sa luha.

At nakikita ito ng mga ninunong kaluluwa na nakasabit din sa mga branches ng puno.

“Tama na ‘yan. Kanina ka pa umiiyak, multong buhay. Pero alam naman namin na dahil puti na ang kulay ng puso mo kaya tinatablan na ito ng lahat na emosyon. Kaligayahan man o masakit. O pagsisisi. Na puro maghahatid ng luha sa iyong mga mata.”

“Okay lang ho ito. Ang tagal ko nang hindi umiyak. My parents deserve tears of love. Parang may nababawas na bigat sa dibdib ko habang umiiyak ako.”

ILANG LABAS NA LANG ABANGAN ANG  ZOMBIE FAMILY

 

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with