^

Para Malibang

Multong Bahay (107)

Gilda Olvidado - Pang-masa

PAYAG naman kaagad ang iba pang mga ninunong kaluluwa. Medyo mayabang na pumronta kaagad ang pinakamatandang kaluluwa.

“Sige! Ako ang mauuna! Oy, multong buhay ... makinig ka. Eh, wala ka na rin namang magagawa kundi makinig habang ganyan ka.”

Walang magawa ang multong buhay kundi manggigil. “Kapag gising na ang panginoon ko, hahanapin niya kayo at matakot na kayo sa mangyayari sa inyo!”

Pero itinuloy pa rin ng mga kaluluwang ninuno ang plano nila.

“Alam n’yo ba na noong nabubuhay pa ako sa panahon ng kastila ay sundalo ako?”

Naging intresado naman si Agyana. “Lolo, ngayon ko lang nalaman ‘yan. Hindi kayo nakapagkuwento sa akin nang ganyan doon sa purgatoryo.”

“Oo nga. Pero iyon na nga, sundalo ako. Ang gamit naming baril ay isang putukan lang. Tapos maglu-load na naman ng bala para magamit kung kinakailangan.”

 “Lolo, kumusta naman sa trabaho ninyo. May napatay kayo? O napasama kayo sa isang giyera?” Curious namang nagtanong si Agyana.

“May mga rebelde rin noon. Mga totoong Pilipino na ayaw sakupin ng banyaga ang Pilipinas. Pero masaya rin naman ang buhay ng sundalo sa panahon ng Kastila. Dahil nagmamahalan kami ng asawa ko. At napakabait ng mga anak namin. Masunurin. Masisipag. Napakagalang sa mga magulang, sa lahat. Hindi materyoso.”

“O, nagpaparinig ka pa! Ako ang pinaparinggan mo, ano?” Galit na sumabad ang multong buhay.

“Hindi, apo. Nagkukuwento lang ako. Na sana, matutunan mo ang leksiyon. At magiging proud ka na ang pinanggalingan mong angkan ay mga mabubuting tao. At sana maipagpatuloy mo ang kabutihan ng iyong mga ninuno.”

Nagprisinta naman ang pangalawang ninunong kaluluwa. “Ako naman ay nagtuturo noong panahon ng mga Kastila.”

Napaismid naman ang multong buhay. “Mga pabida talaga kayo!”

“Multong buhay, alam mo bang Grade 6 lang ang natapos ko? Pero sa rami kong nalaman dahil sa panahong iyon ay walang mara­ming distractions sa buhay kaya ginawa na kaagad akong teacher.. Walang celfone. Walang computer. Kaya siguro mas simple lang noon. Kapag naglalaro ang mga kabataan, mga normal na laro lang. Healthy. Takbuhan. Siyatong. Taguan. Kaya siguro walang sexual problems noon ang mga under age, hindi tulad ngayon.”

“Puwedeng sabihing kung noon lang ipinanga­nak itong si multong buhay, siguradong hindi siya nagkakaganito.

ITUTULOY

 

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with