^

Para Malibang

Multong Bahay (93)

Gilda Olvidado - Pang-masa

ANG multong buhay ay mas malayo ang pinagtapunan. Matindi ang tama sa kanya ng dasal ni Agyana.

Dahil itinodo ni Ag­­yana ang mabuting puwer­sa sa kanyang pagkatao para lamang makalaban nang husto sa multong buhay.

Matagal pa ng parang nakatulog ang multong buhay.

Nagising siyang may dumudunggul-dunggol sa kanyang halos likido nang katawan.

“AAAAAHHHHHHH!” Kaiba ito dahil ang multo ang napasigaw.

Pagbukas kasi ng kan­yang mga mata ay oso pala ang dumunggol-dunggol sa kanya.

Hindi nakuntento ang oso sa pagdunggol.

Dinilaan ang likidong katawan ng multong buhay.

Natigilan ito nang matikman.

Maya-maya ay bumulwak ang balde-baldeng suka ng oso.

Napasigaw ng kakila-kilabot ang multong buhay.

“Walanghiya kaaa! Ako na nga ang tinikman mo iniinsulto mo pa ako? At bakit ka nasuka nang ganyan, ha? Ano’ng ibig mong sabihin? Na nakakadiri talaga pati lasa ko?”

Masama na ang tingin sa kanya ng oso.

Parang naningkit ang mga mata nito.

At bigla na lang sinugod ang multong buhay.

Tinapak-tapakan siya.

Mala-likido na nga, nagkagutay-gutay pa ang multong buhay.

Nasiraan na siya ng loob. Pero sa galit ay nanaig pa rin ang hangaring makaganti.

Inipon niya lahat na puwersa ng kasamaan sa kanyang katawan. At sumigaw ng kahindik-hindik.

Natigil sa pagtapak-tapak ang oso.

Doon  bumuwelo ng malakas na tulak ang multong buhay sa katawan ng oso.

Ang taas ng igkas ng oso, mabilis ding bumagsak, malakas ang impact.

At ang kawawang oso ay hindi na matiyak kung buhay pa ba o patay na. -  Itutuloy                                                        

 

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with