^

Para Malibang

Multong Bahay (69)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAYAKAP ni Agyana si Kerubina. “Ang tapang mo na­man. Lumakas tuloy ang loob ko.”

“Naku, matapang din ho kayo. At laging tama po ang ginagawa ninyo. Kahanga-hanga po kayong kaluluwa na nagmula sa purgatoryo. At malapit na po kayong maging anghel.”

“Salamat, Kerubina. Pero alam mo, kahit naman sa purgatoryo na lang ako palagi ay masaya pa rin ako. Napakarami nang mababait na mga kaluluwa roon. Halos anghel na rin sila.”

“Alam ko po naman ‘yon. Pero lahat po kayong mga mababait na kaluluwa sa purgatoryo ay hinihintay na po ng langit.”

“Salamat, Kerubina. Naniniwala ako sa iyo.”

“Ipagpapaalam nyo na po ako kay Mother?”

“Oo, Kerubina. Sasama ka na sa akin. Okay lang bas a iyo ‘yon>”

“Oo naman. Excited na ako!”

“Then let’s go. Ipagpaalam na kita kay Mother.”

Nakakapit si Kerubina kay Agyana. At excited na tatalon-talon.

“Naku, huwag … baka mapasama ang bagsak mo. Mada-damage ang paa mo tulad ng kaibigan ko.”

Natigilan si Kerubina. “Pero para maging masarap maging bata … dapat naglalaro rin. Hindi matatakot.”

Napangiti na lang ang kaluluwa sa purgatory. “May katuwiran ka naman. Tama naman.”

NATUWA ang mga magulang ni Agyana kay Kerubina. “Napakaganda niyang bata, anak. Sabi mo bulag siya pero bakit kung kumilos parang hindi?”

“Inay, may gift po kasi siya. Ang pandama at pakiramdam niya ay napakalakas po ng power.”

“Makakatulong siya sa iyo kung sakaling may makakalaban ka? I-iyung multong buhay?”

“Ako na po ang sasagot, Lola. Opo, makakatulong po ako ng malaki. Hindi po ako papayag na maraming masasaktang tao ang multong buhay.”

ANG MULTONG BU­HAY ay pina-practice na ang kanyang kapangyarihan. Binugahan niya ng maraming maitim na usok ang isang aso.

Parang sinasakal ang pobreng aso, hirap na hirap makahinga.

Nakita ito ng taga­pag-alaga ng aso. “Hoy, ano’ng ginagawa mo sa aso ko? Tarantado ka, akala mo matatakot ako sa iyo?”

- ITUTULOY

 

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with