^

Para Malibang

Multong Bahay (60)

Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI pa rin nagsasalita si Don.

Hindi niya kayang paniwalaan ang ipinagtapat ni Agyana.

Pero kapag naman tinitingnan niya ang babae, buo ang paniniwala niya sa karakter nito.

May nararamdaman nga siyang kakaiba kay Agyana. Para itong angat sa mga ordinaryong tao.

Kung magsasalita ay nakatingin ng diretso sa mga mata ng kausap. May kapanatagan ang makikinig sa kanya.

Na ibig sabihin, walang pag-aalinlangan kasi sa mga sasabihin ni Agyana.

Ang kanyang presence ay nagdudulot din ng ... mun­ting kaluwalhatian? Dahil nga ba isa na siyang malinis na kaluluwa?

Nilinis sa purgatoryo?

Wala man sa langit ay may kabutihang maka-Diyos pa rin?

Pero may ikinalulungkot si Don Aguilar.

Kung totoo ang lahat na sinabi ni Agyana, ano na ngayon ang mangyayari sa pag-ibig niya rito?

Pag-ibig na ngayon lang niya nararamdaman?

PATULOY pa rin sa pagtawag ang multong buhay sa kalaban ng Diyos. Na si Satanas.

“Galit ako sa kaaway mo! Kaya kunin mo na ako bilang alagad mo! Ginawa na rin lang nila akong pangit, mabuti pang maging kasingsama mo na rin ako. Handa akong pumatay kahit ilan. Handa akong maghasik ng lagim sa letseng mundong ito!”

Pero paulit-ulit man siya sa kanyang pakiusap na puno ng galit, wala pa ring sumasagot sa kanya.

MALUNGKOT na malungkot na si Don Aguilar.

Ang magaling na surgeon ay biglang nawalan ng inspirasyon.

Bigla nitong tinanong ang tahimik lang din na si Agyana. “Alam mo ba kung kailan ako mamamatay? Kung sa purgatoryo rin ako makakarating para makapaglinis nang husto ng aking kaluluwa?”

“Sa Diyos lamang sakop ang kamatayan. Siya lamang ang nakakaalam kung kailan tayo aalis sa mundong ito.”

“May ideya ka ba kung sa purgatoryo ako mapupunta at ... magkita naman tayo doon?”

Natigilan si Agyana.

Naaawa siya sa binatang surgeon, alam niyang nasasaktan ang puso nito at siya ang dahilan.

Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with