^

Para Malibang

Multong Bahay (08)

Gilda Olividado - Pang-masa

PATUNG-PATONG na ang mga tanong ni Agyana sa sarili.

“Paano nangyari sa akin ito?”

“Babalik pa ba ako sa dati?”

“Paano ako kakain o iinom kung hindi maa­ring bumuhat ang aking mga kamay?”

“Sino ngayon ang pupuntahan ko?”

“Sino ang tutulong sa akin?”

May dadaang mga party-goers papasok sa bar. Agad sumiksik sa dilim si Agyana dahil ayaw niyang makita siya.

Pero kung bakit naman nakalagpas na nga ang mga ito, may isa pang bumalik.

At kinalabit si Agyana. “Hoy, Miss. Ano’ng ginagawa mo riyan sa sulok? Okay ka lang ba? May nakaaway ka ba? Ang boyfriend mo? Tama ako, ano? Sa boyfriend nga nagka­kagulo. Halika, sama ka sa akin, ikaw na lang ka-date ko. Paseselosin natin ang boyfriend mo!”

Hindi sumagot si Agyana.

Hinihintay na umalis na lang ang lalaki, Nagpapa­kasiksik pa siya sa corner.

“Aba, nag-iinarte naman ang baby ko, e. Halika na. The night is so young, huwag mong sayangin.”

“Utang na loob ... umalis ka na!”

“Ang drama mo! Pasa­lamat ka, pinapansin kita! Payakap na nga lang.”

At intimiditerong hinila ng lalaki si Agyana.

Napaharap tuloy si Agyana sa lalaki at doon parang biglang nabaliw ang lalaki sa kanyang nakita.

“Multong nakakadiri? AAAAAAAHHHHH!”

“H-hindi ako multo! May nangyari sa akin na hindi ko ma-explain! Pero kailangan ko ng tulong para mawala ito! Please naman, tulungan mo ako!”

Pero biglang sumigaw ang lalaki.

“AAAAAHHHHHH!”

Sabay takbo, matulin pa kaysa hangin.

Nilampasan pa ang mga kasamang kani-kanina lang ay sila ang magkasama.

“What a waste! Akala ko matutuluyan ako! Grabe ang kadiri at kapangitan ng babaing ‘yon. Kaya naman pala nagtatago roon sa sulok, e.”

Sinaway ng isang kasamahan. “Para ka namang nakakita ng multo, brad. Naiistorbo mo pati mga tao sa bar!”

“Eh, baka nga multo ang nakita ko, e! Kasi para namang hindi so­lid ‘yung form ng katawan!”

Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with