Pangalawang Anino (542)
IPINAKILALA ni Angela ang prinsipe ng kadiliman kay Ariel. “Ariel, siya ang bago naming kaibigan dito, si Pio.”
“Paano naman siya nakarating dito? Tulad ko rin ba na umakyat at muntik nang hindi mabuhay?” May kakaiba nang duda si Ariel kay Pio.
“Mahirap ipaliwanag ang pagpanhik ko dito, Ariel. Sana, kung puwede, saka ko na lang i-explain.”
“Pero paano ka magiging tunay na kaibigan kung meron kang hindi sasabihin?”
“Ang tunay na magkakaibigan ay hindi naman dapat sukatin sa ganyan. Nararamdaman ‘yon. At nararamdaman ko.”
Aywan kung bakit bigla namang naramdaman nga ni Ariel na sincere naman sa sinabi si Pio.
“Okay. Sige, nirerespeto ko ang disisyon mong huwag munang ipaalam ang pagpunta mo dito.”
“Maganda ‘yan. Nagkakasundo kaagad tayo. Iba talaga dito sa bundok na banal. Walang hindi napagkakasunduan at hindi nauunawaan.”
“Naramdaman ko lang na parang honest naman ang pagsagot ni Pio.” Nakangiti na si Ariel.
“O, halina kayo. Punta na tayo kina Inay Alona.”
Namangha nga si Ariel nang makita na hindi na anyong halimaw si Alona.
“Ang ganda n’yo na ho uli!”
“Kaya hindi na ako aalis dito sa bundok na banal dahil hindi na nakakatakot ang anyo ko. At hindi na ako kumakain ng tao. At wala na akong naisip na kasamaan.” Masayang sagot ni Alona.
“At ikaw, pangalawang anino, anino ka na uli. Hindi na rin halimaw.”
“At sana huwag na kaming bumalik sa mga ganoong itsura at kasamaan. Sana walang maliligaw na dahilan para kami ni Inay Alona ay magiging masama na naman.” Napasulyap si Yawanaya kay Pio.
Nakaramdam naman si Pio na siya ang pinatatamaan.
Pero hindi siya nainis, nakangiti lang. “Alam ko na hindi ko pa rin lubos makuha ang tiwala mo, Yawanaya. Dahil nga naman bigla na lang akong sumulpot dito at hindi ninyo ako kilala. Pero okay lang, hindi ko naman minamasama.”
Tumango ang pangalawang anino at humarap naman kay Ariel. “Pumunta ka dito para kay Angela? Gusto ko ang ginawa mo.”
“Salamat, Yawanaya. Kung puwede sana na dito ako para makasama ko muna si Angela.”
ITUTULOY
- Latest