Tips para iwas sa dengue
Ang sintomas ng dengue ay madalas mapagkamalan ng flu o viral infection. May ilang tips upang makaiwas sa dengue fever.
1. Laging maglinis ng paligid upang hindi dumami ang lamok.
2. Siguraduhing walang tubig ang naka-stock na gulong, lata, at ang paso na pinagpupugaran ng itlog ng lamok.
3. Hanggang maaari ay lumayo sa mga sobrang populated areas.
4. Gumamit ng mosquito repellent kahit nasa loob ng bahay o lugar.
5. I-turn on ang air condition kung nasa indoors.
6. Siguraduhing nakasara ang bintana at door screen na walang butas.
7. Kung walang screen o air condition ang tinutulugan ay gumamit ng kulambo.
- Latest