^

Para Malibang

Pangalawang Anino (441)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

ANG makita ang halimaw na ina na unti-unting nagbalik ang anyong tao ay halos hindi mapaniwalaan ni Yawanaya.

“Inay! Mahal ka na ng Diyos na mabait! Ginagawa ka na niyang tao!”

Saka lang iyon napansin ni Alona.

Tiningnan niya ang kanyang mga braso at kamay na isang tao na nga.

Tiningnan niya ang mga paa, mga paa ng tao na rin.

Hinaplos niya ang kanyang mukha, hindi na makaliskis, makinis na.

Ang kanyang leeg ay makinis na rin.

Ang kanyang torso, baywang, mga hita at binti ... taong-tao.

“I-isa lang ang ibig sabihin nito, kahit napakasama ko, pinatawad niya ako, Yawanaya. Talaga palang mabait ang kanilang Diyos!”

“Inay, ako, paano?”

“Kasi naman, ayaw mong sumuko sa kanya, e. Wala ka pa ringπ paniniwala kaya walang nangyayaring milagro sa iyo.”

“Hindi, sabi ko tulad ninyo na may nakakapitang memories ng kabataan. Paano ako mata-touch sa puso kung wala akong maalala na maganda, kabutihan at pagmamahal?”

Lalo lamang nagngingitngit si Yawanaya.

Nasipa pa ang pinto ng kulungan na sobrang tibay. Halatang kapangyarihan na ng Diyos ang nagpapatibay sa kulungang ito.

NATATARANTA ang hari ng kadiliman at ang kanang kamay na si Tagapag-alaga.

“Si Alona, nawala na ang pagkahalimaw, iyan ang nakikita kong naganap sa Bundok ng Kabanalan, Tagapag-alaga!”

“Ano’ng gagawin natin ngayon, panginoon ng kasamaan?”

“Lalong tumatagilid papunta sa kabutihan ang ba­lance ng timbangan!”

“Kaya kailangang kumilos na tayo!”

“Wala na akong magagawa! Hindi ko maaring galawin kahit ano man ang Bundok ng Kabanalan!”

“Pero meron kayong magagawa sa iba ... tulad kay Yawan, kay Angela.”

“Tinatrabaho pa ni Lucifereo ang pagpapasama kay Yawan. At dahil nga limitado ang kapangyarihan ko ngayon dahil hindi na balance ang timbangan ng kabutihan at kasamaan, hindi ko nakikita kung ano ang mga pinaggagawa ng anak ko kapag gusto niyang magtago sa akin.”

“Bakit naman kasi siya magtatago kung wala siyang binabalak na ikagagalit mo?” Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with