^

Para Malibang

True and falls sa Laguna

Mae Balbuena - Pang-masa

Kung target na maligo sa falls ng Laguna, talakayin natin ngayon ang Hulugan Falls sa Luisiana, Laguna at Buntot Palos Falls sa Pangil, Laguna.

Hulugan Falls - Hindi magsisisi kapag dinayo ang Hulugan Falls na 30 minuto lang din ang layo sa Pagsanjan falls. Mataas ang falls na ito (235 feet) at malamig ang tubig. Pero may kalaliman ang lugar na puwedeng languyan kaya dapat swimmer ka. Madalas makakita ng rainbow sa lugar na ito tuwing hapon. Matarik at madulas ang daan pababa sa falls kaya magsuot ng makapit na sapatos o sandals. Aabutin ng 30 hanggang isang oras papuntang falls depende dahil napapalibutan ito ng malalaking bato. 

Aliw Falls - Mula sa Hulugan Falls ay 30 minutong paglalakad ang layo ng Aliw Falls. Mas mababa ang Falls, pero ang malapad at malaki ang falls. Umaaskad ang daloy sa malalaking bato ng tubig na nagpaganda ng falls. Puwedeng umakyat sa taas ng falls o mag-cliff dive sa gilid ng falls.

Mula sa San Salvador magsisimula ang trek na hindi naman mahirap para sa mga beginner. Medyo mahirap lang ang daan kapag malapit na dahil madulas ang daan, pero hindi naman sobrang mahihirapan sa 30 minute trek.

vuukle comment

LAGUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with