^

Para Malibang

Saan nga ba Galing ang Adobo?

BURP - Koko - Pang-masa

Nangunguna sa listahan ang adobo kapag napag-uusapan ang mga pagkaing Pinoy.

Ganun pa man, hindi nagkakaisa ang mga eksperto na ang adobo ay native o nag-ugat sa Pilipinas.

Ayon sa historian na si Carmen Nakpil ng FilipiKnow, maaa­ring nanggaling sa mga Mexico ang adobo kung saan ang ibig sabihin nito ay pagkaing niluto sa katas ng lemon sa halip na suka kasama ang iba pang pampaanghang.

Naipasa umano ang recipe nang magpunta rito sa Pilipinas ang mga Mexicano.

Maaaring ginaya na ito ng mga Pinoy at nilag­yan ng sarili nilang tatak ang pagkain at ‘yun na nga ay ang nakaugaliang luto ng adobo sa asin/toyo kasama ang suka.
Samantala, ang iba naman ay naniniwalang nag-ugat ang adobo sa mga Español.

Nagmula ang salitang adobo sa Spanish word na adobar na ang ibig sabihin ay i-marinate o ibabad na siyang pangunahing paraan sa pagluluto ng paborito nating ulam.

Hanggang ngayon ay may iba’t ibang kwento kung saan nanggaling ang adobo pero isa lamang ang tiyak - hindi na ito mawawala kailanman sa kasaysayan ng Pilipinas.

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with