^

Para Malibang

Pangalawang Anino (395)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NABAWASAN ang galit ng prinsepeng demonyo na gumaya ng mukha kay Arturo nang pakalmahin siya ng hari.

“Sige, aking ama. Pero puwede bang sundan ko lang sa bahay niya ang Chop-chop lady na ‘yon?”

“Chop-chop lady?”

“Bagay itawag kay Yawan ‘yon. Dahil pi­ngas-pingas ang mukha at katawan. Sa English, puwede ring tawaging chop-chop lady.”

Bumuga ng napakalakas na tawa ang hari ng mga demonyo. “BWAAHHHAHAHAAAA! Smart and funny ka, anak ko!”

Pero dahil hindi natatawa ang katabi lang na si Tagapag-alaga, sinita ito ng hari ng mga demonyo. “Hindi mo nasakyan ang joke ng iyong prinsepe, Tagapag-alaga?”

“Aba, nasakyan naman! Delayed reaction lang!”

“Gaga! Tumawa ka na! Daliiii!”

Tumawa naman ang hindi makahinding si Tagapag-alaga. “Heheheheee!”

“Ang boring ng tawa mo! Walang kalatuy-latoy! Lagyan mo ng buhay kundi papalitan kita bilang kanang kamay ko dito sa Itom!”

Nataranta si Tagapag-alaga. “HAHAHAHAHAAAAA!”

“Ganyan. Puwede na.”

At muling kinausap ng hari ng mga demonyo ang anak na prinsepe sa isip. “Kung type mong ii-stalk si chop-chop lady, mag-ingat ka. Huwag kang pabubu­king! Ano’ng itsura ang gagamitin mo?”

“Ito na rin. Hindi ko muna babaguhin. Guwapo ako dito, e.”

“Talagang guwapo ang lintek na lalaking ‘yan. Kaya nga parehong love interest nina Nanette at Yawanaya.”

“At mukhang true love ni chop-chop lady. Iyan ang nagpapahina sa iyo sa kaluluwa niya, aking amang matayog! Kasi may true love, may puso si chop-chop lady!”

Napikon ang hari ng mga demonyo. “Huwag mo na ngang ipagdiinan ‘yan!”

“Susunod na ako sa bahay ni Yawanaya, ama ko.”

“Sige na!”

PALAPIT na ang prinsepe sa bahay nina Yawanaya nang may mapansin siyang palapit din sa bahay.

“Ang ganda naman! Ngayon lang yata ako na-attract sa isang tao! Bakit ako nagkakaganito?” Hindi pa niya alam na si Nanette ang kanyang nakikita.

- ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with