^

Para Malibang

Pangalawang Anino (389)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

SOBRANG kaba ng unang aninong si Angela nang mabasag niya ang flower vase ng altar habang naglilinis.

Napalapit kaagad si Ariel na nasa loob din ng simbahan at nagpu-floor polisher.

“Angela?”

“Bakit ganoon, Ariel? Parang may ibang nararamdaman ako sa pagkabasag ko ng flower vase na ‘yan?”

“Wala ‘yon. Natural lang naman ang reaksiyon mo. May nasirang gamit, may tumunog nang malakas kaya iba ang kaba mo.”

“Aywan ko ba ...”

Masuyong hina­wakan ni Ariel ang kamay ni Angela. “Alam mo, ako man ay laging tensed ngayon. Dahil nga siguro kay Yawanaya. Alam na natin na sobrang nagiging masama ang panga­lawang anino. Marami nang napatay at nakain. At siya ay nanggaling dito sa simbahan, maraming araw din siyang parang comatose lang, nandidiyan lang habang kumikilos tayo rito sa loob ng simbahan. Pero ngayon, nagbigay siya ng sobrang takot at lagim ... kaya sino ba ang makakampante?”

“Ariel, kung tutuusin, dapat ka ring matakot sa akin. Kasi, pareho naman kami ni Yawanaya na anino. Mga bahagi ng pagkatao ni Yawan. Kung naging o nagiging masama sina Yawan at Yawanaya ... eh, ako ... hindi ka ba nag-iisip na baka isang araw, ako rin?”

Mariing umiling si Ariel. “Ano ka ba, Angela? Ang layo na ng narating mo mula sa pagiging anino lang ni Yawan. Nagkaroon ka ng sariling pagkatao, kapag hinahawakan kita hindi ka na lang shadow. May laman ka na, may solid form na anino ... at napakabait mo. Isa kang mabuting nilalang. Masaya kang naglilingkod dito sa simbahan. Pareho tayo ng sinasambang Diyos.”

“Pero kasi ... napa­kawirdo ko pa rin. At hindi ako magiging normal na tao kailanman. Mananatili akong anino.”

“Aninong nagsasa­lita, aninong marunong umibig.”

“Pakakasalan mo ba talaga ang isang tulad ko, Ariel?”

“Hindi ba pumayag na nga si Father? At nag-iipon na lang tayo para sa isang simpleng kasal?”

“Oo nga. At malapit na ‘yon.”

“Kaya puwede bang alisin mo na ‘yang mga kaba at pag-aalala mo?”

“Pasensya ka na. Okay na ako.” Mahal na mahal niya si Ariel, ayaw niyang mag-alala ito kaya ganito ang sinabi niya.

Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with