^

Para Malibang

Anak Ipinagpalit sa Trabaho

Pang-masa

Nanganak ng isang magandang baby girl si nanay. Pero pagkatapos ng dalawang buwan ay nagdesisyon na itong bumalik sa kanyang trabaho. Iniwan ng mag-asawa ang pag-aalaga ng cute nilang anak sa kanilang pamangkin. Ito na ang nag-alaga sa sanggol habang busy ang mag-asawa sa pagtatrabaho.

Pero pagkalipas ng isang taon, nagtataka ang mag-asawa kung bakit hindi pa nagsasalita o tumatayo ang bata. Hindi rin gumagapang o dumadapa ang anak. Nagpasya ang mag-asawa na ipatingin ang anak sa kanilang doktor. Huli na nang malaman na nagkaroon ng deperensya ang kanilang anak sa utak.  Nakaalis na sa bahay ang kanilang pamangkin at saka lang nila nalaman na minsan ay nahulog  ang anak sa kama.

Laking pagsisisi ng nanay na ipinagpalit niya ang anak sa kanyang trabaho.  Sana raw ay siya na lang ang nagbantay at nag-alaga sa kanilang anak mula sanggol pa ito.

Ngayon ay 18 years old na kanilang anak, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagsasalita o makatayo dahil habang buhay na itong nakaratay sa kanyang higaan na parang gulay.

vuukle comment

GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with