^

Para Malibang

Baste naging nega sa inaming pinagsabay sina Ellen at Kate

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakipagsabayan sa news na nagsilang ng baby boy si Inday Sara sa pahayag ng presidential son na si Baste Duterte na pinagsabay nito ang pakikipagrelasyon niya sa kanyang live in partner na si Kate Necesario at sa sexy star na si Ellen Adarna.

Naloka ang mga feminista sa pralala ni Baste sa isang television interview na “Alam nilang dalawa eh. Pumayag naman sila, anong magagawa ko?” tungkol sa magkasabay na love affair niya  kina Kate at Ellen.

Hindi rin natuwa ang mga moralista sa mga sinabi ni Baste at sa rebelasyon nito tungkol sa bagong karelasyon dahil mas nakabuti raw kung hindi na siya nagsalita para hindi na nadagdagan ang pagi­ging nega niya.

Dahil sa mga pahayag ni Baste, nakahanap ng butas ang detractors niya para okrayin siya at idinamay pa sa isyu ang kanyang fadir.

Aktres p700,000 ang TF sa out of town show!

Tumataginting na P700,000 ang sinisingil na talent fee ng kampo ng aktres para sa isang out of town event.

Hindi pinatulan ng producer ng show ang demand ng kampo ng aktres dahil masyadong mataas ang P700,000 as in may makukuha sila na mas sikat na artista na hindi overacting ang talent fee.

Bukod sa nakakaloka na bayad, maraming demand ang kampo ng aktres kaya dedma na ang mga produ sa hindi makatarungan na asking price.

Bagong apo ni PREs. Duterte kakaiba ang pangalan

May bagong apo si President Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Inday Sara Duterte, ang mayor ng Davao City.

Nagsilang kahapon si Inday Sara ng isang healthy baby boy na binigyan ng pangalan na “Stonefish.”

May mga hindi makapaniwala na Stonefish ang name ng bagets at hoping sila na hindi talaga ‘yon ang pangalan ng apo ni Papa Rody.

Alden at Maine sa us magho-holy week

May US show uli ang stars ng kalyeserye sa Eat Bulaga at mangyayari ito sa susunod na buwan.

Sama-sama na lilipad sa Amerika sina Alden Richards, Maine Mendoza, Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros para sa show nila sa California at New York.

Ang Pasadena Civic Auditorium sa Pasadena, California ang venue ng KS sa US (Kalyeserye sa US) sa April 9 at magtatanghal ang grupo sa Kings Theater sa New York sa April 12.

Ang US shows nila ang dahilan kaya magkakaroon ng advance tapings sina Alden at Maine para sa Destined to be Yours. Walang conflict sa Eat Bulaga ang US concert ng Kalyeserye stars dahil April 10 hanggang April 16 ang Holy Week.

ramon revilla. sr. idinadamay sa birthday si bong kahit nasa piitan

Sa March 8 pa ang birthday ni former Senator Ramon Revilla, Sr. kaya mali ang nakalagay sa Internet na kahapon, March 2, ang kaarawan niya at isinilang siya noong 1921.

For the record, turning 90 years old pa lang si Mang Ramon sa March 8 at dahil nobenta anyos na siya, isang celebration na magpapasaya sa kanya ang inihahanda ng mga anak niya.

Tuwing birthday ni Mang Ramon, hindi niya nakakaligtaan na dalawin sa PNP Custodial Center ang kanyang anak, si former Senator Bong Revilla, Jr. Tatlong taon nang nakakulong si Bong sa Camp Crame kaya three years na rin na binibisita siya ni Mang Ramon sa tuwing kaarawan nito.

vuukle comment

BASTE DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with