^

Para Malibang

Sang-ayon ka ba sa mga Nagsasabing Bumaba sa Puwesto si PNP Chief Bato?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Sa mga nangyayari ngayon sa bansa, parang hindi naman nababawasan ang krimen. Mas lalo ngang nakakapangilabot ang mga balita dahil sa mga sinasabi nilang Oplan Tokhang kung saan maraming invloved sa droga na ang namamatay. Maganda sa una pero habang tumatagal ay nakakapanghinala ang mga ibang inosenteng nadadamay. Dapat siguro mag-isip si Chief Bato ng ibang strategy para bumango ang mga pulis. Kung hindi naman bumaba na nga lang siya sa puwesto. – Arnold, Cavite

• Ilang buwan pa lang naman siyang nanunungkulan. Siguro naman puwede pa siyang bigyan ng ilan pang buwan para maitama ang mga nangyayari ngayon sa sangkapulisan. Pero dapat may deadline, kung hindi niya makayanan eh mag-isip dapat siya kung kaya pa niyang pamunuan ang mga pulis. -Richard, Sulu

• Bilib ako sa mga nagawa ni Chief Bato at ng mga pulis pero parang mahirap sikmurain ang mga nangyayari ngayon sa bansa lalo na ang may kinalaman sa droga. Parang hindi na makatarungan ang mga pagpatay. May iba pang mga sinasabing nadadamay at wala namang kasalanan. PNP Chief, tama na bumaba ka na sa puwesto! – Raffy, Pasig

• Para sa akin maganda naman ang mga ginagawa ng mga kapulisan ngayon. Pero naaabuso na yata ng ibang pulis ang kanilang kapangyarihan at hindi na rin nirerespeto si Bato. Kung iisiping mabuti, dapat ay lider na sinusunod at inirerespeto si Bato. Eh ang kaso binabastos na siya. Dapat makaisip siya ng bagong strategy para magbalik ang tiwala ng mga tao sa mga pulis. – Reynan, Baguio

• Hindi ako sang-ayon. Ang mga takot lang naman ay mga may kasalanan eh. Tama lang ang ginagawa ni PNP Chief Bato para mabago ang mga tao. Ang dami pang masasamang tao ngayon sa paligid ang dapat bigyan ng leksyon. – Rex, Bohol

vuukle comment

ARNOLD

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with