^

Para Malibang

Aswang Territory (153)

ASWANG TERRITORY - Gilda Olividado - Pang-masa

WALANG makitang kahit anong ebidensya sina Simeon na naroroon si Draz.

“Mahal na Pinuno, natakot siguro kaya umalis na.”

“Tama. Ganoon nga siguro. Kahit nagtapang-tapangan pa siya, nadaig pa rin ng takot. Siya ba naman ang bulabugin ng ating lahi!”

“Hindi na siguro ‘yon babalik dito? O baka may balak bumalik na magdadala ng maraming kasama?”

“At hindi tayo mayayanig! Kahit ilang daang kasama na tulad niya, kapag ako na ang humaharap sa kanila, walang matitira sa kanilang hininga!” Buong tapang na sigaw ni Simeon.

Tawanan at sigawan naman ang mga masasamang lahi.

“Mag-transform tayo kahit araw! Patunayan uli natin na hawak na natin ang ating mga katawan! Puwede tayong maging kung ano ang gusto natin! Magpakaaswang tayo ngayon din!” Buong yabang na namang sumigaw si Simeon.

At sabay-sabay ngang nag-transform sina Simeon. Kitang-kita ang napakapangit na proseso

Naging kulu-kulubot ang mga balat, nagkalusaw-lusaw muna ang mga mukha. Natubuan ng mga maiitim at malalaking kaliskis. Humaba ang mga balibalikong kuko. Ang mga buhok ay lumaki ang hibla, tumigas, nagkaroon ng mga tinik-tinik. Ang kanilang bibig ay umagos ang napakabaho at kulay green na likido, pinakalaway ng mga aswang.

Nakikita ito lahat ni Draz.

Dahil naroroon lang naman siya. Hindi nga lang nakikita.

Nag-spray din siya ng liquid na nakakabura sa ano mang bagay o tao visually sa paningin ng iba.

Pero tulad ng home van at modernong motor, buung-buo naman si Draz at hirap na hirap nga lang sa pagpipigil na siya ay masusuka.

Diring-diri kasi siya sa pagta-transform ng mga aswang na masasamang lahi. Lalo na sa lumabas na likido sa bibig ng mga ito na grabe ang sama ng amoy!

Hindi na yata niya matagalan.

Nagrebolusyon na ang tiyan ni Draz at umakyat na ang lahat mula sa kanyang sikmura papunta sa kanyang bibig.

Kapag nagsuka siya, hindi puwedeng walang ingay. Hindi man siya makikita, maririnig naman siya.

At posibleng malalaman nina Simeon na naroroon lang siya at kanyang mga gamit.

“God, please ... let me hold this! Hindi ako dapat makalikha ng ingay or I’ll be dead!”

Itutuloy

 

 

vuukle comment

SHELDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with