^

Para Malibang

Aswang Territory (10)

Gilda Olividado - Pang-masa

MABILIS na sumalag si Avia para kay Armani. “Papa, Mama … hindi ko po dadalhin dito si Armani kung hindi niya tanggap na tanggap ang ating lahi po.”

“Gano’n naman pala … pero bakit tingin namin, takot na takot siya sa atin hindi pa nga natin siya kinukurot man lang?” Nanlilisik pa rin ang mga mata ng ama ni Avia.

“Ah, kasi ho … very active talaga ang imagination ng boyfriend kong ‘to, Papa. Hindi naman po ibig sabihin na natatakot siya sa inyo o sa atin.”

“Totoo po, Sir. Hindi po ako natatakot sa mga aswang. Tanggap na tanggap ko po ang mga aswang. I swear.”

“Ang mga kinakain namin, tanggap mo?” Para siyang binibigyan ng test question.

“Aba, opo. Sino po naman ako para hindi tanggapin kung ano ang kinakain ninyo?” At ngumiti pa with confidence si Armani.

“Talaga, ha?” Parang naghahamon ang tono ng kuya ni Avia.

“I swear.  Cross my heart.”

“Buweno, mga angels!”

Akala ni Armani mga anghel talaga ang tinatawag ng ama ni Avia. Pero ang mga dumating ay mga tao lang na naglalakad, magaganda rin.

Hindi paniniwalaang mga katulong lamang.

“Si, Sir?” Espanyol pa ang kahalong dialogue ng isang angel o maid.

“Ihanda na ang mesa. Lahat na masasarap na kinakain ng ating lahi, pu­nuin ang hapag-piyesta. At ang ating panauhing pandangal ay … kakain nang magana.”

Napalunok si Armani. Ngayon pa lang, buma­baligtad na ang sikmura.

Hindi niya yata kayang kumain ng mga masasarap daw na pagkain ng mga kalahi ni Avia.

Kung ganoon … ang ihahain ba sa mesa ay syarsadong atay? Sinampalukang baga, dinaing na puso, kalderetang   bitukang maliit at malaki?

“Avia, puwede bang mag-CR muna?”

“Oo naman, mahal ko. Namumutla ka nga. Masakit baa ng tiyan mo … go na go ka na?”

“Y-yes … go na go na ako!”

“Angel Maria, pakisamahan mo nga para maituro mo kay Sir Armani mo ang ating comfort room! Bilis! This is an emergency!” Tarantang utos ni Avia sa katulong.

“Halika na po kayo, Sir Armani! Malapit lang ho ‘yon, dito lang ho sa baba!”

Pagpasok ni Armani sa comfort room, kinilabutan siya. Dahil ang tronong uupuan niya ay korteng mga pangil! Para bang kapag umupo siya doon ay kakagatin ang kanyang pang-upo! Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGEL MARIA

ARMANI

AVIA

BILIS

BRVBAR

HINDI

MGA

SIR ARMANI

SIR. HINDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with